Tuluyan ng nagbalik-loob sa gobyerno ang anim (6) na miyembro ng CTG sa Ilagan at Nueva Vizcaya noong Ika-14 at 15 ng Oktubre ng taong kasalukuyan.
Ayon sa report ng Philippine Army, ang mga sumuko ay kinilalang sina Alias Nethan, 29 years old, Squad Leader; Alias Gerber, 26 yrs old, Vice Squad Leader; Alias Jazzel, 27 years old, S4, lahat ay kabilang sa Squad Uno; Alias Rey, 27 years old, Team Leader ng Squad Dos; Alias Rod, 51 years old, Giyang Pampulitika ng Squad Tres; lahat ay mula sa Regional Sentro de Grabidad (RSDG) ng Regional Operations Command sa ilalim ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley (KR-CV).
Kasabay ng kanilang pagsuko sa mga tauhan ng 95th Infantry Battalion (95IB), 502nd Infantry Brigade (502IBde), Philippine Army at Police Regional Office 2 (PRO2) sa Ilagan City, ay kanila ding isinuko ang tatlong (3) matataas na armas bilang pagpapakita ng tuluyan ng pagtalikod sa teroristang grupo.
Samantala, si Alias “Rod” na Medical Officer ng West Front Committee, Kominenteng Probinsya (KOMPROB) ng Cagayan ay sumuko rin sa probinsya ng Nueva Vizcaya sa patuloy na pagsusumikap ng Police Regional Office 2 at National Intelligence Coordinating Agency (NICA).
Batay sa kwento ng mga sumuko, ang puwersa ng teroristang Grupo ay nababawasan araw- araw at halos wala ng mapagtaguan, dahil tinatalikuran na rin sila ng mga pamayanang dating sumusuporta sa kanila.
Dagdag dito, ang mga tao sa mga barangay ay hindi na naniniwala sa kanila at iniuulat na rin nila ang kanilang presensya sa mga tropa ng gobyerno.
Dahil sa pinaiigting na operasyon ng militar at ng mga tropa ng gobyerno, ito ay nagreresulta sa pagkamatay at pagsuko ng kanilang mga pinuno, at kasapi, pagtuklas at pagbawi ng kanilang mga armas at iba pang mga materyales, at pag-atras ng mga sumusuporta sa kanila na nagdudulot ng isang krisis sa grupo.
Ang kanilang mahirap na buhay sa mga bundok ang nag-udyok sa kanila upang sumuko. At ang kaibahan sa magandang buhay na dinaranas ng mga kasamahan nilang nauna ng sumuko at nagpasya ng magbalik-loob sa gobyerno.
“Sa mga kabataan, maging mapagmatyag, huwag kayong magpalinlang at huwag makisangkot sa anumang grupo o aktibidad ng teroristang grupo. Sa halip ay magpursige para sa magandang kinabukasan at maging masunurin sa pamahalaan”, ani alias Rod.
Ang limang (5) dating miyembro ng RSDG ay isinuko ang isang Elisco M16 rifle, isang (1) Bushmaster M16 rifle, isang M16 A1 rifle, magazine,15 na bala at isang cellphone. Ang mga nakuhang armas at iba pang mga gamit ay kaagad na ipinasa sa mga awtoridad ng pulisya para sa pagproseso at dokumentasyon.
“Inaanyayahan ko ang mga kababayan nating nasa armadong kilusan na bumalik na sa panig ng gobyerno at mapayapang sumuko. Dahil ang pamahalaan ay handang tulungan kayong magsimula at magbagong bagong buhay,” ani ni RD Ludan.
Dagdag pa niya ang magandang pagtutulungan ng PNP, Philippine Army, NICA at komunidad ay magreresulta ng patuloy na pagsuko ng mga miyembro ng teroristang grupo.
Pinasalamatan naman ni Major General Mina ang PNP-PRO2 at NICA RO2 sa kanilang matatag na suporta sa pakikipaglaban sa kontra-insurhensya. At ang kanilang hangarin na wakasan ang lokal na armadong komunista sa Rehiyon 2.
“Patuloy ang aming paninindigan laban sa natitirang miyembro ng teroristang grupo. Ang pagtutulungan ng gobyerno at buong pamayanan ang susi para wakasan ang problemang ito ,” ani Major General Mina.
Source: RPIO 2
#####
Article by Police Carla Mae P Canapi