Arestado ng Philippine National Police, sa ilalim ng pamumuno ni PNP Chief, PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang isang armadong indibidwal matapos itong itinawag sa pamamagitan ng DILG Unified 911 system nito lamang May 10, 2026. Kinilala ang suspek na isang 39-year-old na lalaki at residente ng Caloocan City.
Agad namang inaresto ng mga operatiba ng Sangandaan Police Sub-Station (SS-4, Caloocan City Police Station) ang armadong suspek sa may bandang Kamada Interior Salaysalay Street, Barangay 8.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanya sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
“We will continue to act on validated reports to prevent the circulation of unlicensed firearms in communities. Public safety remains our strongest commitment,” ayon pa ni PNP Chief, PGen Jose Melencio C. Nartatez Jr.
“Ang mabilis na aksyon ng pulisya ay mahalaga para maiwasan ang anumang banta sa buhay ng mga mamamayan. Asahan ninyo ang patuloy naming pagtugon sa mga ganitong insidente,” dagdag pa niya.
Habang patuloy na pinaiigting ng pulisya ang mga kampanya nito kontra sa ilegal na baril, aasahan pa umano ng publiko ang mas agresibong mga hakbang ng himpilan upang masugpo ang lahat ng mga ilegal na aktibidad sa bansa alinsunod sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.”



