Nasabat ang nasa Php714,000 halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang pulis sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Purok 5, Brgy. San Jose, City of San Fernando, Pampanga, nito lamang Martes, Mayo 12, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Jess B Mendez, Regional Director ng Police Regional Office 3, ang suspek na isang Patrolman, 28 anyos na nakuhanan ng 105 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php714,000, iba pang non-drug items ng mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit ng Pampanga Police Provincial Office, Pampanga Provincial Intelligence Unit at City of San Fernando Police Station at nahaharap sa kasong Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002.
“The arrest of a police officer who was already included in the drug watchlist sends a clear message that no one is above the law. Regardless of rank or position, those who violate the law will face the consequences of their actions. In line with the Focused Agenda of our Chief, PNP, PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., PRO3 will continue to strengthen internal discipline, intensify anti-illegal drug operations, and uphold the integrity of the organization,” saad ni PBGen Mendez.
Tuloy-tuloy ang PRO 3 sa kampanya laban sa iligal na droga na salot sa lipunan at ugat ng kriminalidad, alinsunod sa layuning mapanatili ang kaayusan at maprotektahan ang kapakanan ng bawat mamamayan na naaayon sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”



