NCRPO, agad inaresto ang isang tauhan nitong sangkot sa hit-and-run sa C5

0
42

Agad inaresto ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang isa nitong kasapi na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) matapos umanong masangkot sa hit-and-run incident sa C5 Road sa Pasig City ngayong araw.

Ayon sa NCRPO, ang suspek ay isang Police Staff Sergeant mula sa QCPD District Mobile Force Battalion at ngayon ay nasa kustodiya na ng NCRPO at nahaharap sa mga imbestigasyong kriminal at administratibo.

Isinagawa ang pag-aresto matapos umanong mag-viral sa social media ang isang Yamaha motorcycle na minamaneho ng naarestong tauhan, kung saan tinulak nito ang isang civilian rider sa may kahabaan ng C5 Road na nagresulta sa pagkakatumba ng nasabing motorista. Agad din umanong tumakas ang suspek at hindi man lang tinulungan ang natumbang rider.

Dahil dito, nagpatupad ang QCPD ng hot pursuit operations na nagresulta sa pagkahuli ng suspek.

 “The PNP does not have favorites when it comes to accountability. Whether the suspect is a civilian or a member of our own organization, the law applies equally. Misconduct will not be tolerated; it will be confronted,” pahayag pa ni PMGen Anthony A Aberin, Regional Director ng NCRPO.

Alinsunod sa layunin ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman,” tiniyak ng pamunuan ng NCRPO ang masusing imbestigasyon kaugnay sa kaso upang mapanagot ang nasabing tauhan batay sa NAPOLCOM rules at sa PNP standards of conduct.

Leave a Reply