PBGen Portento, nagsagawa ng Command Visit sa Tawi-tawi PPO

0
27

Nagsagawa ng command visit ang Hepe ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC) na si Police Brigadier General Maria Sheila T Portento, sa Tawi-tawi Police Provincial Office umaga ng Mayo 12, 2026, sa Camp Alejandro Suarez, Bongao, Tawi-Tawi.

Mainit na tinanggap si PBGen Portento ng pamunuan ng Tawi-tawi PPO sa ilalim ng liderato ni Police Colonel Byron F Allatog, Provincial Director, na ibinahagi ang mga kasalukuyang inisyatiba at tagumpay ng probisya sa paglilingkod sa komunidad.

Sa isinagawang “Talk to the Men” activity, binigyang-diin ni PBGen Portento ang patuloy na pagsusulong ng mga batas at programang nangangalaga sa kapakanan ng mga kababaihan at kabataan, gayundin ang pagbibigay ng suporta sa mga biktima ng gender-based violence.

Hinimok din nito ang lahat na makiisa sa paglaban sa anumang uri ng pang-aabuso, harassment, at diskriminasyon, at paalalahanan ang bawat isa na ang pangangalaga sa karapatan ng bawat kasarian ay responsibilidad ng buong komunidad, bilang pagpapatibay sa bisyon ng “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Source Tawi-tawi Police Provincial Office

Panulat ni PMSg Grace Neville L Ortiz

Leave a Reply