Php1.5M halaga ng ilegal na kahoy, nasabat ng 1st Nueva Vizcaya PMFC; 2 indibidwal, arestado

0
1057

Arestado ang dalawang indibidwal matapos mahulihan ng tinatayang nasa 3,000 board feet ng nalagareng kahoy na nagkakahalaga ng Php1,500,000 sa ikinasang border checkpoint ng mga tauhan ng 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya nito lamang Mayo 11, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Mariano C. Rodriguez, Acting Regional Director ng Police Regional Office 2, naharang ang isang trak na walang plaka na nakapatay ang ilaw habang bumibiyahe. Sa isinagawang inspeksyon, natuklasan ang mga nakasalansang kahoy at assorted sawn lumber sa loob ng sasakyan.

Nabigo ang drayber na magpakita ng kaukulang permit at transport documents, kaya agad inaresto dahil sa paglabag sa PD 705 o Revised Forestry Code of the Philippines. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Rommel”, 50 anyos, at alyas “Danny”, 26 anyos, pawang residente ng Kalinga.

“Hinihikayat namin ang publiko na makiisa at maging mapagmatyag sa kampanya laban sa ilegal na pagtotroso. Malaki ang maitutulong ng bawat mamamayan upang maprotektahan at mapanatili ang ating likas na yaman para sa kapakinabangan ng kasalukuyan at susunod pang mga henerasyon,” dagdag ni PBGen Rodriguez.

Leave a Reply