Serbisyong nararamdaman: Sorsogon PPO, patuloy ang pagpapakakas sa Project Tanglaw L.A.H.I. para sa Kabataan

0
350
Screenshot

Patuloy na isinulong ng Sorsogon Police Provincial Office (PPO) ang pagpapalakas ng Project Tanglaw L.A.H.I., isang makabuluhang programa na naglalayong magbigay-liwanag sa kinabukasan ng mga batang Sorsoganon sa pamamagitan ng edukasyon, malasakit, at aktibong pakikipag-ugnayan sa komunidad ng Sorsogon, sa pamamagitan ng isang programa nito lamang ika-10 ng Mayo 2026.

Matagumpay na natapos ang unang batch ng 51 daycare beneficiaries, habang opisyal namang inilunsad ang ikalawang batch na binubuo ng 55 daycare pupils.

Patunay ito ng matatag na paninindigan ng Sorsogon PPO sa pagsusulong ng “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan” sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa kapakanan at kinabukasan ng kabataan.

Sa patuloy na pagpapatupad ng mga programang nakasentro sa tao at komunidad, pinatutunayan ng PRO5 sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Erosito N Miranda, Regional Director, na ang tunay na diwa ng paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan, kundi maging sa kakayahang magbigay ng inspirasyon, pag-asa, at oportunidad sa susunod na henerasyon.

Sa ilalim ng Project Tanglaw L.A.H.I., bawat batang naaabot ay isang pangarap na binibigyang-liwanag, at bawat tulong na naibibigay ay hakbang tungo sa isang mas ligtas, mas matatag, at mas maunlad na pamayanan.

Leave a Reply