Camiguin PNP, handa sa pagbibigay ng seguridad sa lahat ng kalahok ng Ironman 5150 Triathlon Camiguin 2026

0
45

Handa ang pamunuan ng Camiguin Police Provincial Office sa pagbibigay ng seguridad sa lahat ng kalahok ng Ironman 5150 Triathlon Camiguin 2026 na idinaos ngayong araw ng Linggo, Mayo 3, 2026 sa Isla ng Camiguin.

Nanguna si Police Colonel Mauro P Guray,

Provincial Director, sa pag-inspection at pagmo-monitor sa Incident Command Post, mga lugar tulad ng Sunken Cemetery sa Catarman, Camiguin, at Old Church Ruins sa Bonbon, Catarman.

Naka-deploy na din ang kapulisan upang magbigay seguridad sa race routes, at crowd control upang masiguro ang kaligtasan ng publiko at police presence sa buong aktibidad.

Ang Camiguin PNP, sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camiguin, ay nananatiling ganap na nakatuon sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng lahat ng kalahok, organizer, turista, at manonood sa buong panahon ng Ironman 5150 Triathlon sa Isla ng Camiguin.

Laging hangad ng PNP ang kaligtasan ng bawat isa para sa ligtas, maayos, at mapayapang pamayanan alinsunod sa mantra ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply