“Pangipaptok ya Naminhod hi Bimmoble,” ng Lagawe PNP, umarangkada

0
69

Umarangkada ang “Pangipaptok ya Naminhod hi Bimmoble,” kaugnay sa Kapwa Ko, Sagot Ko: Adopt-A-Family Program ng mga tauhan ng Lagawe Municipal Police Station sa Lagawe, Ifugao nito lamang Mayo 1, 2026.

Ito ay inisyatibo ng Lagawe MPS sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Brenda B. Sumwang, Acting Chief of Police, at benepisyaryo nito ang tatlong senior citizen sa kanilang nasasakupan.

Ito ang direktang tugon ng Lagawe PNP upang iparamdam sa mga nakatatanda ang pagmamahal at serbisyo sa pamamagitan ng pagdadala ng groceries, limang kilong bigas at isang tray ng itlog.

Ang Lagawe PNP ay muling pinagtitibay ang pangako nitong maglingkod at magprotekta—hindi lamang sa pamamagitan ng pagpapatupad ng batas at seguridad, kundi pati na rin sa pamamagitan ng habag, kabaitan at makataong serbisyo at sa adbokasiya ng PNP na “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.”

Leave a Reply