Naaresto ng mga operatiba ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang Top 5 Most Wanted Person ng lalawigan ng Iloilo dahil sa kasong Qualified Rape sa ilalim ng Article 266-B nito lamang umaga ng May 1, 2026 sa Brgy. San Julian, Janiuay, Iloilo.
Kinilala ni Police Brigadier General Josefino D Ligan, Regional Director ng PRO6, ang naarestong suspek na si alias “Kapid,” 41 years old, isang magsasaka at residente ng Janiuay, Iloilo.
Inaresto si Kapid ng mga tracker team ng Janiuay Municipal Police Station (MPS) sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 76 ng Janiuay, Iloilo noong April 28, 2026 nang walang piyansang inirekomenda.
“We remain relentless in our efforts to track down wanted persons, especially those facing serious charges. This arrest reflects our firm commitment to justice and the protection of our communities,” pahayag pa ni PBGen Ligan.
Kasalukuyan namang nakadetain si alyas “Kapid” sa custodial facility ng Janiuay MPS para sa tamang disposisyon ng kanyang kaso.
Samantala, hindi naman titigil ang PRO6 sa pagtugis sa iba pang mga pugante na patuloy na nagtatago sa batas sa iba’t ibang bahagi ng Western Visayas upang mabigyang-hustisya ang kanilang mga biktima at matiyak ang kaligtasan ng lahat ng mga residente sa Western Visayas.



