Labor Day, natapos ng maayos ang sitwasyon; NCRPO, nakaantabay sa seguridad at kaayusan

0
374

Maayos na nagtapos ang selebrasyon ng Araw ng mga Manggagawa kung saan naging sistemado ang ilang mga kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa kahapon lamang, May 1, 2026.

Sa Metro Manila, nanguna si NCRPO Regional Director PMGen Anthony A Abrin kasama ang iba pang mga opisyales sa pagbibigay ng superbisyon sa lahat ng mga kapulisan na itinalaga sa Kalakhang Maynila upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maayos na daloy ng mga aktibidad.

Pinaalalahanan pa niya ang lahat ng kapulisan na nahigpit na ipatupad ang maximum tolerance, igalang ang human rights, at protektahan ang karapatan ng bawat isa sa malayang pagpapahayag.

Samantala, nananatili namang nakaantabay ang mga support teams hanggang sa matapos ang lahat ng mga aktibidad upang siguruhin ang mabilis na responde at maiwasan ang anumang aberya sa kalsada.

Sa kabuuan, iniulat ng Pambansang Pulisya ang pagkakaroon ng generally peaceful na pagdaraos ng Labor Day sa buong bansa sapagkat walang anumang seryosong insidente na naiulat at wala ring anumang pangamba sa seguridad na namataan hanggang sa nagtapos ang iba’t ibang mga kilos-protesta.

Leave a Reply