Php408K halaga ng shabu, nasamsam ng RPDEU 10; 2 indibidwal, nasakote

0
215

Nasamsam ang halagang Php408,000 ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal sa ikinasang operasyon ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 10 (RPDEU 10) sa Zone 11, Terryhills Subdivision, Bulua, Cagayan de Oro City nito lamang Huwebes, Abril 30, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Christopher N. Abrahano, Regional Director, Police Regional Office 10, ang mga suspek na sina alyas “Jay”, 19 anyos, at alyas “Joe”, 32 anyos, pawang residente ng naturang lugar at nahaharap sa kasong Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 60 gramo na nagkakahalaga ng Php408,000.00, black sunglasses pouch, plastic cellophane, dalawang pirasong Php1,000.00 bills na ginamit bilang buy-bust money.

“This successful operation reflects the strong coordination among our law enforcement agencies and our unwavering commitment to rid our communities of illegal drugs. We will continue to intensify our anti-drug operations to ensure the safety and security of the public,” pahayag ni RD Abrahano.

Source: Regional Public Information Office 10

Panulat ni: PMSg Grace Ortiz

Leave a Reply