Mga vintage bomb, natagpuan sa isinagawang paghuhukay sa NAIA

0
372

Tinatayang aabot sa 20 mga vintage bomb ang nadiskubre ng mga awtoridad sa nagpapatuloy na paghuhukay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Juliet Extension Taxiway nito lamang nakaraang Linggo.

Agad naman itong itinawag sa PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) Explosive Ordnance Disposal team para sa ligtas na paghukay ng nasabing mga bomba.

Narekober ng pulisya ang 10 50-pound at 18 25-pound na mga general-purpose bombs. Matatandaang nito lamang April 22, may nahukay ding pampasabog sa parehong lugar.

Dinala ang nahukay na mga bomba sa Avsegroup headquarters sa Pasay City para sa nararapat na safekeeping at proper disposal.

Ang Juliet Extension ay bahagi ng NAIA modernization project na ipinatupad ng Manila International Airport Authority (MIAA) at ng New NAIA Infra Corp. (NNIC).

Kabilang sa proyekto ang pagpapalawak at concreting ng taxiway upang mas mapaganda pa ang kapasidad at serbisyo nito.

Kapag natapos ang proyekto, magsisilbi itong diversion route para sa mga aircraft habang isasagawa ang  reconstruction ng Taxiway Delta, ang pangunahing taxiway ng Terminal 3.

Leave a Reply