Zero tolerance, ipatutupad ng PRO-NIR sa lahat ng mga tauhan nitong masangkot sa krimen

0
289

Mahigpit na ipatutupad ng Police Regional Office-Negros Island Region (PRO-NIR) ang zero-tolerance policy para sa lahat ng tauhan nito na sangkot sa anumang uri ng kriminal na aktibidad. Iyan ang pahayag ni Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay, Regional Director ng PRO-NIR.

Ito ay matapos iniulat ng PRO-NIR na isinailalim na sa imbestigasyon ang isang Police Major na nakatalaga sa rehiyon matapos ito umanong masangkot sa sindikato at ilegal na operasyon ng cigarette factory sa rehiyon.

Ang nasabing alegasyon ay iniulat mismo ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nitong linggo, ngunit kinlaro ni PBGen IBay at  PCol Eugene Rebadomia, City Director ng Bacolod City Police Office, na hindi nakatalaga sa lungsod o maging sa rehiyon ang naturang pulis.

Sa inilabas na impormasyon ni Sec. Remulla, sinabi nitong protektor umano ang naturang pulis sa isang Chinese-led syndicate na nasa likot ng illegal manufacturing plant sa Barangay Calumangan, Bago City.

Bagama’t sinabi ni SILG Remulla na taga-Bacolod City ang naturang pulis, hindi umano ito nakatalaga sa BCPO, maging sa PRO-NIR, parehong pagtiyak ni PCol Rebadomia at PBGen Ibay.

“If there was a police officer from the BCPO engaged in such activity, we would be very much open to an investigation,” pahayag pa ni PCol Rebadomia.

Muli namang siniguro ni PBGen Ibay sa publiko na buo ang kanilang hangarin na linisin ang buong hanay ng PRO-NIR at tiyakin na mananagot sa batas ang lahat ng pulis sa rehiyon na masangkot sa anumang krimen o ilegal na aktibidad.

“Any such illegal activity, especially by members of the police force, will not be tolerated,” saad pa ni PBGen Ibay.

Leave a Reply