Php374K halaga ng shabu, nasabat ng QCPD; 2 indibidwal, arestado

0
491

Nasabat ang nasa Php375,000 halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawang indibidwal sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District sa No. 21 Everlasting St., Area A, Brgy. Payatas, Quezon City, nito lamang Martes, Abril 28, 2026.

Kinilala ni Police Brigadier General Randy Glenn Silvio, District Director ng Quezon City Police District, ang suspek na si alyas “Emmie,” 44 anyos, at alyas “Dennis”, 44 anyos, pawang mga residente ng Brgy. Payatas, Quezon City.

Narekober sa naturang operasyon ang 55 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php374,000.00, cellular phone, coin purse, at buy-bust money.

Nahaharap sa kasong Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

“Ang tagumpay ng operasyong ito ay nagpapatunay na ang QCPD ay hindi tumitigil sa pagsugpo sa ilegal na droga. Magtulungan po tayo, QCitizens at QCPD, laban sa krimen,” mensahe ni PBGen Silvio.

Leave a Reply