Nasabat ang nasa Php3.4 milyong halaga ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang babaeng suspek sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad sa Brgy. Pangao Saduc, Marawi City, Lanao del Sur nito lamang Lunes, Abril 27, 2026.
Kinilala ni Police Brigadier General Jaysen De Guzman, Regional Director, Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, ang suspek na si alyas “Jonairah/Alex”, 39 anyos, residente ng naturang lugar at nahaharap sa kasong Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Act of 2002.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pagsisikap ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency – Lanao del Sur Provincial Office, 4th Mechanized Battalion/Task Force Marawi, 42nd Mechanized Company, 43rd Mechanized Battalion, Philippine Army, Marawi City Police Station, 45th Special Action Company, 4th Special Action Battalion ng PNP Special Action Force at PDEG SOU 15.
Narekober sa naturang operasyon ang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php3,400,000, at buy-bust money.
Patuloy ang PNP at PDEA sa pagsugpo sa iligal na droga sa tulong at kooperasyon ng mamamayan upang makamit ang katahimikan at kaunlaran.



