Wednesday, November 20, 2024

Valley Cops, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Maring

Nagsagawa ng relief operations ang mga kapulisan ng Police Regional Office 2 sa iba’t ibang bayan sa Lambak ng Cagayan partikular na sa mga niragasa ng baha at pagguho ng lupa dulot ng bagyong Maring.

Pinangunahan din ni PBGen Steve B Ludan, Regional Director ng PRO2, ang pamamahagi sa 1,140 food packs na nagkakahalaga ng Php1.2-milyon sa mga residente ng Brgy. Dungeg, Masi, Simpatuyu at Aridawen sa bayan ng Santa Teresita, Cagayan.

Ang naturang bayan ay isa sa mga hinagupit ng bagyong Maring nitong Oktubre 11 hanggang 12, 2021.

Samantala, nauna na ding nakatanggap ng food packs ang Muslim Community sa Centro 10, Tuguegarao City at ang mga residente ng Calayan, Cagayan.

Noong kasagsagan naman ng bagyo, ang mga kapulisan, katuwang ang lokal na pamahalaan at iba pang ahensya ng gobyerno ay nagsagawa ng feeding program sa mga residente na nasa evacuation centers.

“Ito ay unang bugso pa lamang ng tulong para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Maring sa buong rehiyon Dos. Sa tulong ng ating mga Stakeholders at iba pang ahensya ng pamahalaan, ang Valley Cops ay patuloy sa pagpapa-abot ng tulong at serbisyo sa ating mga kababayan,” ani PBGen Ludan.

Ang inisyatibong ito ay mula sa ipinaabot na tulong ng Officers Ladies Club sa pangunguna ni Mrs Lizette Ludan, Adviser; GCF sa pamamagitan ni PMGen Benigno Durana Jr. (Ret), PBGen Crizaldo Nieves (Ret.); Department of Social Welfare and Development; Department of Health; lokal na pamahalaan ng Sta. Teresita sa pangunguna ni Mayor Rodrigo De Gracia, at iba pang ahensya ng gobyerno.

Samantala, ang naturang relief operations ay alinsunod sa programang PRO2 Lingkod Bayanihan, PNP BARANGAYanihan at ng Duterte Legacy Caravan na naglalayong buhayin ang diwa ng pagtutulungan at pagmamalasakit sa kapwa sa gitna ng mga unos na kinahaharap ng ating bansa.

###

Article by Police Corporal Carla Mae P Canapi

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles