Pinangunahan ng masigasig at matikas na Regional Director ng Police Regional Office Cordillera, PBGen Ronald O Lee ang isinagawang BARANGAYanihan Caravan sa Elpidio Quirino Elementary School, Irisan, Baguio City noong Oktubre 14 ng taong kasalukuyan upang magbigay tulong sa ating mga kababayan na lubos na naapektuhan ng pagsalanta ng bagyong “Maring”.
Kasama sa naturang aktibidad ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na nagkaloob ng tulong at naghatid ng kani-kanilang serbisyo gaya ng TESDA, DSWD, DOH, DTI, DEPED, DOLE, NCIP, PIA at City Treasury, gayundin ang mga pribadong kompanya at organisasyon gaya ng SM City Baguio, Philippine Dental Association, Dizon Optical, at Discover Islam Baguio.
Bukod pa dito, naroon din ang mga iba’t ibang yunit ng kapulisan ng PROCOR na nagpaabot din ng kanilang tulong at naghanda ng pagkain, kape at inumin para sa mga kalahok ng naturang aktibidad.
Nasa mahigit kumulang tatlong daang (300) benepisyaryo ang nabahagian ng tulong mula sa mga naturang ahensiya, kompanya, at organisasyon.
#####
Article by Police Corporal Melody L Pineda