Cagayan de Oro City – Tinatayang Php680,000 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng Cagayan de Oro City PNP nito lamang Sabado, Abril 16, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Benjamin Acorda Jr, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang dalawang suspek na sina Joshua Butatil, 31, residente ng Zone 9, Macanhan, Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City at Jessica Aban, 41, residente ng Calaanan Relocation, Brgy. Canitoan, Cagayan de Oro City.
Ayon kay PBGen Acorda, dakong 1:30 ng hapon nahuli ang dalawang suspek sa Zone 9, Macanhan, Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City ng mga operatiba ng Cagayan de Oro City Police Office-Police Station 8 at City Intelligence Unit.
Nakuha mula sa dalawang suspek ang 10 heat-sealed transparent plastic sachets na may timbang na 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php680,000 at isang pirasong Php500 bill bilang buy-bust money.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
”Our campaign against criminalities and illegal drugs have never let-up. Our continuous effort in attaining peace and order in Mindanao is what makes our police on the ground managed to apprehend the offenders. With the active support and cooperation of the community, mas magagawa ng ating kapulisan ang kanilang trabaho na hulihin ang umaabuso sa ating batas lalo na on this holy week”, pahayag ni PBGen Acorda.
Source: Police Regional Office 10-PIO
###
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10