Naaresto ng mga awtoridad ang isang 40 anyos na tricyle driver matapos itong makuhanan ng nasa Php3.4 Milyong halaga ng iligal na droga sa isinagawang anti-drug operation sa Taguig City kamakailan lamang.
Ayon kay Police Colonel Julius AƱonuevo, Chief of Police ng Taguig City Police Station, ang suspek ay residente ng Maharlika Village at naaresto sa Mindanao Avenue ng mga operatiba ng Taguig Police Substation 7 kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Southern District Office.
Narekober mula sa suspek ang apat na knot-tied plastic sachet na naglalaman ng 500 grams ng hinihinalang shabu.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Pahayag pa ni PCol AƱonuevo na ang matagumpay na operasyon ay resulta ng matibay na pagtutulungan at koordinasyon sa pagitan ng iba’t ibang mga law enforcement units.
āThis operation shows how closely weāre working with PDEA to go after illegal drugs in Taguig. Tuloy-tuloy ang ating operasyon. We will make sure those involved are caught and made accountable,” dagdag pa niya.
Source: Suspect yields P3.4-M ‘shabu’ in Taguig | Philippine News Agency
Photo Courtesy: PDEA



