Oplan Galugad isinagawa ng Misamis Occidental PNP

0
454

Isinagawa ang “Oplan Galugad” o Greyhound ng mga tauhan ng Misamis Occidental Police Provincial Office sa Misamis Occidental Provincial Reformatory Jail nito lamang Linggo, Abril 9, 2026.

Ayon kay Police Colonel Reynaldo M Maclang, Provincial Director ng Misamis Occidental Police Provincial Office, ang operasyon ay isinagawa katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology sa ilalim ng pamamahala ni Mr. Stephen Sean M. Daral, Provincial Jail Warden, Misamis Occidental Provincial Mobile Force Company at Oroquieta City Police Station.

Nakuha mula sa kagamitan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) ang mga lighter, matutulis at matatalas na bagay na maaaring gamitin sa pananaksak at ipa bang posibleng maglagay sa kanila sa panganib.

Ang naturang operasyon ay naglalayong tiyakin na walang mga ipinagbabawal na materyales ang mga PDLs at panatilihin ang kaligtasan at kaayusan sa loob ng kulungan.

Source: Misamis Occidental Police Provincial Office