HVI, naaresto sa PNP buy-bust sa Iloilo; Php2.5M shabu, nakumpiska

0
459
Screenshot

Naaresto ng mga tauhan ng Police Regional Office 6 (PRO6) ang isang High-Value Individual (HVI) matapos magsagawa ang pulisya ng anti-illegal drug-bust operation nito lamang March 27, 2026 sa Brgy. Pescadores, Guimbal, Iloilo, kung saan narekober ang nasa 370 grams ng shabu na may estimated standard drug price na Php2,516,000.00.

Isinagawa ang operasyon matapos ang dalawang linggong surveillance at case buildup ng kapulisan sa pamamagitan ng mahahalagang impormasyon na ibinibigay ng komunidad.

Isinagawa ang operasyon ng mga tauhan ng Regional Police Drug Enforcement Unit 6 (RPDEU 6), katuwang ang RID 6, PDEG SOU 6, at Guimbal Municipal Police Station, na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas “Kent,” 39 years old, may asawa, itilaga bilang isang High-Value Individual at residente ng nasabing barangay.

Narekober mula sa suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet at limang knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng shabu, buy-bust money, at iba pang mga non-drug items.

PRO6 Regional Director, PBGEN JOSEFINO D LIGAN, commended the operating units for the successful operation, emphasizing the continuing commitment of PRO6 in the intensified campaign against illegal drugs.

“Hindi tayo titigil sa laban kontra ilegal na droga. Ipinapakita ng operasyong ito na alerto at handa ang ating kapulisan sa pagsugpo ng kriminalidad. Sama-sama nating panatilihin ang ligtas at mapayapang komunidad,” pahayag pa ni PBGen Josefino D Ligan, Regional Director ng PRO6.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa