Naaresto ng PNP Maritime Group (PNP-MG) sa pangunguna ng Davao Oriental Maritime Police Station, katuwang ang Mati City Police Station, ang isang indibidwal na kinilala sa alyas na “Rod”, isang Top 2 Most Wanted Person sa Provincial Level, sa isinagawang joint manhunt operation noong Marso 8, 2026, sa Barangay Bato-bato, San Isidro, Davao Oriental.
Ang pag-aresto sa nasabing indibidwal ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest kaugnay sa mga kasong Rape o Republic Act 8353 sa ilalim ng Criminal Case Nos. 6050-13, 6051-13, at 6052-1, walang inirekomendang piyansa, at Rape Through Sexual Assault sa ilalim ng Criminal Case No. 6049-13, na may inirekomendang piyansang PhP80,000.
Ang matagumpay na operasyong ito ay alinsunod sa PNP Focused Agenda sa pinalakas na law enforcement operations laban sa mga wanted persons at kriminalidad, bilang bahagi sa pagsulong ng adhikaing “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman”.
Patuloy ang panawagan ng PNP MG sa publiko na makipagtulungan sa kapulisan sa pagbibigay ng impormasyon upang mapabilis ang paghahanap at pag-aresto sa mga taong may pananagutan sa batas.



