Ilang araw bago idaos ang Grand Alumni Homecoming ng Philippine National Police Academy, na may temang “Isang Asosasyon, Bihirang Pagkakataon, Pag-asa ng Bagong Henerasyon,” hindi maikakaila ang kahandaan ng HINIRANG Class of 2021.
Sa kanilang pangalan pa lang, “Henerasyong Inihanda ng Panahon upang Magsilbi at Isakatuparan ang Responsibilidad Alang-alang sa Bayang Sinilangan,” kinikilala sila bilang henerasyong hinubog ng panahon upang magsilbi at gampanan ang kanilang responsibilidad para sa bayan.
Ang HINIRANG Class of 2021 ay simbolo ng isang henerasyong handang maglingkod sa bansa nang may dangal at matibay na paninindigan. Taglay ang kanilang paninindigang “Pro Bono Publico en Patriae,” iniaalay nila ang kanilang kakayahan sa paglilingkod sa mamamayan at sa inang bayan nang walang hinihinging kapalit. Sa pamamagitan ng disiplina, dedikasyon, at pagmamahal sa bayan, itinataguyod ng nasabing klase ang mga pagpapahalaga ng makabayan, katarungan, integridad, at serbisyo. Inaasahang patuloy silang magiging huwaran ng responsableng pamumuno at makabuluhang paglilingkod, na magbibigay inspirasyon sa susunod pang mga henerasyon



