MASIDTALAK Class of 2023, handa na sa Grand Alumni Homecoming

0
281

Dalawang araw na lamang bago idaos ang Grand Alumni Homecoming na may temang “Isang Asosasyon, Bihirang Pagkakataon, Pag-asa ng Bagong Henerasyon.” Kabilang sa mga tampok sa pagdiriwang ang PNPA MASIDTALAK Class of 2023, na kinikilalang mga Maaasahang Tagapagsilbi ng Inang Bayan na may Dangal at Katapatan na ang Layunin ay Kapayapaan.

Ang MASIDTALAK Class of 2023 ay hinubog upang harapin ang mga hamon ng mabilis na nagbabagong panahon. Sumasalamin ang kanilang pangalan sa matibay na paninindigan na maglingkod sa bansa nang may integridad, dedikasyon, at tapat na hangaring mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lipunan.

Sa kanilang paglalakbay bilang mga kadete, nahubog ang bawat miyembro bilang mga lider na nakatuon sa serbisyo at kahusayan.

Taglay ang disiplina, integridad, at malasakit sa kapwa, handa silang maging tagapagtanggol at inspirasyon ng sambayanan habang ipinagpapatuloy ang kanilang pamana ng tapat at makabuluhang paglilingkod sa mamamayang Pilipino.

Source: PNPA FB Page