Php270.9M halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Maguindanao del Norte

0
370

Nasabat ang tinatayang mahigit Php270.9 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa ikinasang maritime security operation ng mga awtoridad nito lamang Linggo, Marso 1, 2026 bandang 7:55 ng gabi sa baybaying bahagi ng Tapian Point, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.

Nabatid na napansin ng mga otoridad na walang navigational lights ang dalawang barko na MB Makhfiyyan 5 at MB Makhfiyyan na mula sa Tawi-Tawi patungong Picong, Lanao del Sur kaya isinagawa ang Visit, Board, Search, and Seizure at natuklasan ang mga smuggled na sigarilyo na humigit-kumulang 2,000 master cases ng Seven Kings.

Nasa Php216,704,723 para sa MB Makhfiyyan 5 at Php54,280,912 para sa MB Makhfiyyan, o kabuuang Php270,985,685.

Patunay na ang matagumpay na pagkakakumpiska ng mga smuggled na sigarilyo ay resulta ng mas pinaigting na operasyon laban sa iligal na aktibidad, kriminalidad, at border control ng Philippine Navy at PNP tungo sa pagkamit ng isang maunlad na Bagong Pilipinas.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/probinsiya/2026/03/04/2511905/p2709-milyong-puslit-na-yosi-nasabat-ng-navy