Hitman na nagtatago gamit ang pekeng mga pangalan, arestado sa patong-patong na kaso ng PRO 3 sa Taguig

0
350

Arestado ng mga tauhan ng Police Regional Office 3 ang pangunahing hitman ng isang grupo na iniuugnay sa higit sa 20 pagpatay, at nagtatago gamit ang iba’t ibang pangalan dahil sa patong-patong na kaso sa isang ospital sa Taguig City nito lamang Miyerkules, Marso 4, 2026.

Ayon kay Police Brigadier General Jess B Mendez, Regional Director ng PRO 3, dala ng kapulisan ang apat na Warrant of Arrest laban sa suspek na nahaharap sa kasong robbery with homicide, Murder sa Pagadian at Frustrated Murder sa Dagupan.

Nabatid na tatlong beses pinalitan ng suspek ang kanyang pangalan at nasangkot din sa sunod-sunod na pagpatay sa Zamboanga Peninsula.

Kabilang sa mga kasong iniuugnay sa kanya ang bank robbery sa Santa Cruz noong Enero 2016, kung saan dalawang tao ang napatay.

Solido ang PNP sa pagpatupad ng batas at ilagay ang mga taong may sala sa batas sa likod ng rehas.

Source: https://www.gmanetwork.com/news/topstories/metro/978782/hitman-arrested-taguig/story/