Barangay Kagawad at bodyguard nito, arestado sa iligal na baril at bala ng PNP CIDG

0
369

Arestado ang isang barangay kagawad at ang kanyang bodyguard matapos makuhanan ng iba’t ibang armas at bala sa loob ng bahay ng opisyal sa isinagawang search warrant operation ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sultan Kudarat Provincial Field Unit 12 noong Miyerkules, Pebrero 25, 2026 sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Kinilala ni Police Major General Robert A Morico II, Director ng PNP CIDG, ang dalawang suspek na sina alyas “Fred,” Kagawad ng Brgy. Palumbi, at ang kanyang bodyguard na si alyas “Tonio,” pawang mga residente ng nasabing lugar.

Narekober sa operasyon ang isang Bushmaster M16 rifle na may scope, mga magasin at bala, kabilang ang 7.62 na bala at isang caliber .45 na pistola na may siyam na bala.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Patuloy ang pinaigting na kampanya ng PNP CIDG laban sa iligal na pagmamay-ari ng baril upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa komunidad.