Pinangunahan ni PBGen Jess B. Mendez, ang bagong talagang Regional Director ng PRO3, ang seremonya ng pagpapadala (send-off) sa kanilang Civil Disturbance Management (CDM) Contingent para sa kanilang deployment kaugnay ng ika-40 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution na ginanap sa Camp Captain Julian Olivas, San Fernando City, Pampanga.

Ang naturang contingent ay bumubuo ng 1,700 personnel, na pinamumunuan ni PLtCol Cornelio Ordanza, AFC RMFB3, bilang Contingent Commander, ay magsisilbing karagdagang puwersa sa mga operasyong panseguridad para sa “Trillion Peso March” rally na gaganapin sa Pebrero 25, 2026 sa Maynila.

Binigyan-diin sa mensahe ni PBGen Mendez ang kahalagahan ng disiplina, kahandaan sa operasyon, at pagkakaisa ng mga rehiyon upang matiyak ang mapayapa at maayos na paggunita ng makasaysayang pambansang okasyon.

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, patuloy na ipinapakita ng PRO3 ang matatag nitong suporta sa pambansang seguridad—na nakabatay sa propesyonalismo, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod sa publiko.



