PRO 5, pinaigting ang paghahanda sa seguridad para sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution

0
286

Pinaigting ng Police Regional Office 5 sa pamumuno ni PBGen Erosito N Miranda, Regional Director, ang paghahanda sa seguridad para sa paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng magmomobilisa ng maximum na bilang ng mga tauhan sa buong Bicol Region upang tiyakin ang kaligtasan ng publiko at mapigilan ang anumang banta sa kapayapaan.

Batay sa intelligence monitoring, posibleng magsagawa ng mga kilos-protesta ang ilang grupong kaalyado ng Communist Terrorist Group (CTG), kaya’t nananatiling alerto ang kapulisan laban sa anumang iligal na aktibidad.

Magkakaroon ng strategic deployment ng mga tauhan, pagtatayo ng Advance Command Posts, pagpapatupad ng checkpoints kabilang ang border control points, at pagpapaigting ng anti-criminality operations. Paiigtingin din ang police visibility sa pamamagitan ng mobile patrols, Tactical Motorcycle Riding Unit, Quick Reaction Teams, negotiation teams, at aerial monitoring gamit ang drones.

Naka-standby rin ang medical teams at ang KASUROG Crowd Management Advanced Reactionary Force Engagement (C.A.R.E) contingent para sa maayos at makataong crowd management alinsunod sa maximum tolerance.

Mananatili ang Full Alert Status at aktibo ang Synchronized Communication (SyncCom) Cell upang matiyak ang maayos at mabilis na koordinasyon sa lahat ng yunit.

Binigyang-diin ni PBGen Miranda na pangunahing prayoridad ang kaligtasan ng mamamayan at ang mapayapang paggunita ng makasaysayang okasyon. Tiniyak din niya na ang lahat ng operasyon ay isasagawa nang may propesyonalismo, paggalang sa karapatang pantao, at pagsunod sa batas, habang hinihikayat ang publiko na makiisa at manatiling mapagmatyag at mahinahon.