High Value Individual na dealer ng mga baril, huli sa buy-bust sa Cebu City

0
599

Nahuli ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) – Cebu City Field Unit ang High Value Individual na nagbebenta umano ng mga unlicensed firearms sa isinagawang buy-bust operation nitong January 16, 2026 sa Barangay Guiwanon, Argao, Cebu.

Kabilang sa mga nakumpiska ng pulisya mula sa suspek ang dalawang Caliber .38 revolvers, isang AR-15 rifle sub-machine gun na mayroong steel magazine, at 13 rounds na bala.

Binigyang-diin ni Acting Chief PNP, PLtGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang kahalagahan ng parehong mga operasyon upang masugpo ang sirkulasyon ng lahat ng mga iligal na baril sa bansa.

Aniya: “Malinaw ang ating tungkulin—protektahan ang batas at tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan. Hindi natin hahayaang sinuman ang maglagay ng panganib sa komunidad. Operations like this show that the PNP is serious in making sure our communities are safe.”

Bahagi ang matagumpay na operasyon sa patuloy na pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa mga looese firearms alinsunod sa PNP Focused Agenda, partikular na ang Enhanced Managing Police Operations (EMPO).

“Every successful operation is not just a victory for law enforcement but a reassurance to our fellow Filipinos that the PNP is working tirelessly for a safer society,” dagdag pa ni PLtGen Nartatez.