2 Chinese National, arestado ng Pasay City PNP; Mexican-Chinese, nasagip

0
551

Arestado ang dalawang Chinese Nationals at nasagip ang isang Mexican-Chinese computer specialist na hinihingan ng $1.4 milyon ransom na idadaan sa cryptocurrency sa ikinasang rescue operation ng mga awtoridad sa isang condominium unit sa Roxas Boulevard, Barangay 13, Pasay City nito lamang Biyernes ng umaga, Enero 16, 2026.

Kinilala ni Police Colonel Joselito De Sesto, Chief of Police ng Pasay City Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Jiaxiang”, 38 anyos, at “Zhiyong”, 34 anyos, at ang biktima na si alyas “Jilian”, isang Mexican-Chinese.

Nabatid na nag-ugat ang operasyon nang magawan ng paraan ng biktimang eksperto sa computer system na makapagpadala ng distress message sa kaibigan, kaya agad na humingi ng police assistance sa Pasay City Sub-Station 1.

Narekober sa naturang operasyon ang isang posas at isang kutsilyo, na ginamit sa pagbabanta sa biktima kung saan puwersahan itong hinihingan ng ransom sa pamamagitan ng cryptocurrency transfer.

Patuloy ang Pasay City PNP sa pagbibigay ng seguridad at kaligtasan ng bawat Pilipinong mamamayan at dayuhan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.

Source: https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/metro/2026/01/18/2501777/2-chinese-timbog-sa-kidnapping-mexican-chinese-nasagip