Dalawang Regional Most Wanted person, arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng Rizal PNP

0
505

Arestado ang dalawang Most Wanted Person sa Regional Level sa isang araw na manhunt operations ng Rizal PNP kahapon, ng ika-13 ng Enero 2026.

Kinilala ang suspek na si Alyas “Rose”, 39-anyos, nakatira sa Brgy. Kalayaan, Angono, Rizal at tinaguriang Most Wanted Person sa Regional Level na naaresto sa operasyon ng pinagsanib na pwersa ng CIDG Rizal-PFU (Lead Unit) at Antipolo Municipal Police Station Warrant Team kahapon bandang 10:18 PM.

Nahuli ang nasabing suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa dalawang kaso ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, na walang inirerekomendang piyansa ang korte.

Samantala, arestado din si Alyas “Bryan”, 43-anyos na nakatira sa Brgy. Darangan, Binangonan, Rizal sa operasyon ng mga operatiba ng Antipolo Municipal Police Station kahapon bandang 10:30 ng gabi dahil sa Warrant of Arrest para sa dalawang kaso ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na walang din inirerekomendang piyansa.

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa mga ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng mga tauhan ng Rizal PNP sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Source: https://www.facebook.com/share/p/1DGw4uLsAh/