Php25.3B narcotics, nakumpiska ng PNP; 67K suspek, naaresto sa taong 2025

0
360

Tinatayang aabot sa kabuuang Php25.3 Bilyong halaga ng mga ilegal na droga ang matagumpay na nakumpiska ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang nasa 55,843 law enforcement operations sa buong bansa sa taong 2025.

Sa isinagawang press briefing sa Camp Crame nitong Lunes, January 5, 2026, sinabi ni PNP Acting Chief, Police Lieutenant General Jose Melencio C Nartatez Jr., na ang naturang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng nasa 67,223 indibidwal.

Kabilang sa mga nakumpiskang ilegal na droga ang 3.28 million grams ng shabu; higit 10.79 million grams ng dried marijuana leaves; 3.37 million marijuana pieces; 127,462 grams ng marijuana kush; 150,586 grams ng cocaine; at 556 grams ng ecstasy.

Samantala sa anti-smuggling campaign naman, nakapagsagawa ang PNP ng nasa 2,169 operasyon, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 2,216 indibidwal at pagkakumpiska ng nasa PHp4.3 Bilyong halaga ng mga kontrabando; petroleum na aabot sa Php8 Milyong halaga, mga agricultural products na aabot sa Php321 Milyon, at nasa Php167 Milyong mga counterfeit goods na aabot sa kabuuang estimated value ng higit sa Php4.8 Bilyon.

“Fifty two percent of these operations or 1,098, took place from Aug. 26 to Dec 31, resulting in 976 arrests and the seizure of goods valued around Php2.5 billion,” saad pa ni PLtGen Nartatez.

Sa kampanya naman laban sa mga wanted persons, tinatayang nasa 84,567 wanted persons ang naaresto ng pulisya sa taong 2025. Kabilang na rito ang 22,535 Most Wanted Persons (MWP) at 62,032 Other Wanted Persons (OWP).

“What these figures tell us is simple: we are going after the right people. Our focus in 2025 was clear —track down high-risk and long-wanted individuals and ensure they face justice,” dagdag pa ni PLtGen Nartatez.

Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1266203