Rodriguez, Rizal – Tinatayang Php319,600 na halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang suspek sa buy-bust operation ng kapulisan ng Rizal nitong Linggo, Abril 3, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, ang mga suspek na sina Alexander Surwez, alyas Alexander, 30 at Alex Surwez Jr, alyas Alex, 28, pawang mga residente ng Blk 33 Lot 7 Dela Costa V, Phase 2, Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal.
Ang mga nabanggit na suspek ay nauugnay sa malawakang paghatid at bentahan ng droga sa nasabing barangay.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 3:15 ng umaga naaresto ang mga suspek sa Dela Costa V Phase 2, Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit at Provincial Drug Enforcement Unit ng Rizal Police Provincial Office.
Nakumpiska sa dalawang suspek ang 18 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na may kabuuang timbang na 47 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php319,600, isang Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money at tatlong Php100 bill.
Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Pambansang Pulisya ay lalo pang papaigtingin ang kampanya laban sa ilegal na droga at iba pang mga krimen upang manatiling ligtas at mapayapa ang komunidad.
###
Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon
Husay talaga ng nga alagad ng batas