PRO1 CDM Contingents, idineploy sa Mendiola para siguruhin ang kapayapaan at kaayusan ng rally

0
832

Muling ipinamalas ng Police Regional Office 1 (PRO1) ang kanilang kahandaan at dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan matapos i-deploy ang mga miyembro ng Civil Disturbance Management (CDM) Contingents sa harap ng CRB Mendiola ngayong araw, ika-30 ng Nobyembre, 2025 bilang bahagi ng kanilang patuloy na misyon na tiyaking ligtas at maayos ang daloy ng mga aktibidad sa lugar.

Tapat sa mantra ni PBGen Dindo R. Reyes, Regional Director ng PRO1 — “Maaasahan, Malalapitan, at Mapagkakatiwalaan”, nananatiling alerto at handa ang mga CDM Contingents upang tugunan ang anumang sitwasyon at mapanatili ang seguridad ng publiko.

Pinangunahan nina District Director PBGen Arnold E. Abad at CDM Contingent Commander PCol Fidel De Guzman Junio, ang On-site Inspection sa mga itinayong barikada. Sinuri din nila ang Structural Integrity, Visibility, Accessibility, at tamang posisyon ng mga ito upang matiyak ang pinakamataas na antas ng Operational Efficiency at epektibong Crowd Control.

Kasabay nito, sinigurado din ang kahandaan ng kagamitan, mga kagamitang pang-identipikasyon, at mga Security Posts upang masiguro na ang bawat yunit ay may sapat na suporta para sa anumang posibleng pangyayari.

Ang masusing inspeksyong ito ay patunay ng patuloy na pagbabantay at dedikasyon ng PRO1 sa pagpapanatili ng kaayusan. Ipinapakita ng PRO1 CDM Contingents ang kanilang matatag na presensya at kahandaan, alinsunod sa kanilang pangakong protektahan ang publiko— anumang oras, saan mang lugar.

Panulat ni PMSg Bader Ceasar Ayco

Source: RMFB 1