Isinagawa ng Pampanga Police Provincial Office (PPPO) ang personnel accounting bilang paghahanda para sa deployment ng kanilang mga tauhan sa darating na “Trillion Peso March” sa Barangay Sto. Niño, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Sabado,ika- 29 ng Nobyembre 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel Eugene M. Marcelo, Provincial Director, ang aktibidad upang matiyak na ang lahat ng pulis na itinalaga para sa rally ay ganap na handa. Kabilang sa kanyang tinitiyak ay ang pagkakaroon ng kumpletong kagamitan ng bawat personnel, maayos na dokumentasyon, at malinaw na pagtalaga ng kani-kanilang tungkulin sa nasabing programa.
Ayon kay PCol Marcelo, mahalaga ang ganitong proseso upang matiyak ang kaligtasan ng mga tauhan, ang maayos na koordinasyon ng iba’t ibang yunit, at ang maagang pagtukoy sa anumang kakulangan o posibleng aberya bago ang mismong araw ng pagtitipon.
Kasama sa isinagawang accounting ang pag-check ng attendance, deployment schedule, kagamitan, at transportasyon ng bawat personnel. Inaasahang sa pamamagitan nito ay magiging mas maayos ang serbisyo sa publiko at masiguro ang mapayapang pagdaraos ng programa.
Sa pamamagitan ng maingat at sistematikong paghahanda, tiniyak ng PPPO na handa silang magsilbi at protektahan ang mga mamamayan sa nalalapit na malaking pagtitipon.
Panulat ni Pat Mildred A Tawagon



