Operational mobility sa PRO3, mas pinalakas sa ipinamahaging karagdagang light vehicles

0
951

Mas pinalakas ng Police Regional Office 3, sa pamumuno ni Police Brigadier General Ponce Rogelio I. PeƱones Jr., Regional Director, ang kanilang operational mobility sa pagkakaroon ng 31 mga bagong light motorcycles na ipinamahagi ng PNP Directorate for Logistics noong Nobyembre 11, 2025.

Ang turnover at pagbabasbas ay isinagawa sa PRO3 Parade Ground, Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga na dinaluhan at nasaksihan ng mga key regional officials at kanilang mga tauhan.

Alinsunod sa PNP Focused Agenda (Management of Resources) ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., Acting Chief PNP, ang mga bagong motorsiklo ay ipapamahagi sa iba’t ibang istasyon sa buong Central Luzon upang lalong mapahusay ang kani-kanilang patrol visibility at mabilis na pagtugon sa pagsugpo ng mga krimen sa rehiyon.

Buo naman ang pasasalamat ni PBGen PeƱones sa inisyatiba ng naturang administrasyon, at nangangakong gagamitin ng buong husay ang mga karagdagang motorsiklo kaisa ang ibang mga regional units sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bawat komunidad sa ating bansa.

Source: Police Regional Office 3