Cebu City – Nasamsam ang tinatayang Php1,530,000 halaga ng shabu sa isang suspek na naaresto sa buy-bust operation ng kapulisan sa Cebu City nito lamang Martes, Marso 22, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Eduardo Roque Vega, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang naaresto na si Dave Alonzo Eucaliga a.k.a Dave, na kabilang sa drug watchlist regional level.
Ayon kay PBGen Vega, naaresto ang suspek bandang 1:15 ng hapon sa F. Llamas St., Brgy. Punta Princesa, Cebu City ng mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 7.
Ayon pa kay PBGen Vega, nakumpiska kay Eucaliga ang tinatayang 225 gramo ng shabu na may Standard Drug Price na Php1,530,000, black handy bag, tatlong bank receipt, at buy-bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng RA 9165.
Samantala, pinuri naman ni PBGen Vega ang kapulisan ng nasabing rehiyon dahil sa matagumpay na operasyon.
Sinigurado pa ni PBGen Vega na kanilang ipagpapatuloy at paiigtingin ang kampanya sa ilegal na droga at iba pang uri ng kriminiladad.
“Patuloy ang ating kampanya sa ilegal na droga at pasugalan sa Kabisayaan. Wala tayong sasantuhin kahit sino paman. Bilang na ang araw nila,” saad nito.
###
Panulat ni Patrolman Edmersan Llapitan
More power mam sir
Great work thanks PNP