Nagsagawa ng awareness lecture ang mga miyembro ng Malaybalay City Police Station para sa Barangay Peace and Order Council sa Barangay Aglayan, Malaybalay City l, Bukidnon nito lamang ika-7 ng Oktubre 2025.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PMSg Ken Hanzel T Bughaw, SCAD PNCO ng Malaybalay City Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Joepet B Paglinawan, Chief of Police ng Malaybalay CPS, na dinaluhan ng mga miyembro ng Barangay Peace and Order Council (BPOC) sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Glorio D. Sajulga, Barangay Chairperson ng Barangay Aglayan, Malaybalay City.
Binigyang-diin ni PMSg Bughaw ang mahalagang papel ng barangay bilang unang tagapagtanggol ng katahimikan at kaayusan sa kani-kanilang nasasakupan.
Tinalakay rin nito ang koordinasyon sa pagitan ng kapulisan at lokal na pamahalaan, gayundin ang tamang pag-uulat ng mga insidente at pakikilahok ng mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang ugnayan ng PNP at barangay officials, gayundin ang pagtitibay ng community policing approach sa Malaybalay City upang patuloy na mapanatili ang ligtas at maayos na pamayanan.
Ang naturang gawain ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PNP laban sa kriminalidad at sa pagpapatupad ng kapayapaan at kaayusan sa antas-barangay.
Panulat ni Patrolwoman Rizza C Sajonia

