Nakumpiska ng mga awtoridad ang nasa Php102,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang Street Level Individual sa inilunsad na buy-bust operation sa Juana Osmeña Street, Barangay Kamputhaw, Cebu City, dakong alas-8:40 ng gabi ng Martes, Oktubre 7, 2025.
Kinilala ni Police Major Timothy Jim Romanillos, Station Commander ng Police Station 2, Cebu City Police Office, ang suspek na si alyas “Ungas”, 48 taong gulang, residente ng Purok 3 Lower, Barangay Kamputhaw, Cebu City.
Nakuha mula sa suspek ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu na aabot sa 15 gramo at may Standard Drug Price na Php102,000, Winston cigarette box, at buy-bust money.
Patuloy ang maigting na kampanya ng kapulisan laban sa iligal na droga bilang bahagi ng adbokasiya para sa isang ligtas at maayos na pamayanan sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
Source: CCPO SR

