Provincial Most Wanted Person, arestado ng GMA PNP

0
799

Arestado ng mga tauhan ng General Mariano Alvarez Municipal Police Station ang isang Most Wanted Person sa Provincial Level sa Barangay Pulido, General Mariano Alvarez, Cavite noong Oktubre 5, 2025.

Kinilala ni PLtCol Bonna A. Obmerga, hepe ng GMA MPS, ang suspek na si alyas “Noy,” residente ng General Mariano Alvarez, Cavite.

Ang operasyon na isinagawa ng warrant operatives at patrol members ng GMA MPS ay nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nahaharap sa kasong Sexual Assault (Art. 266-A, RPC, na inamyendahan ng R.A. 10951, in relation to Sec. 5(b) of R.A. 7610), 2 counts na may inirekomendang piyansa na Php200,000 para sa bawat bilang.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni PCol Ariel R. Red, Acting Provincial Director ng Cavite PPO, “Ang matagumpay na operasyon laban sa mga Most Wanted Person ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng ating kapulisan upang maihatid ang hustisya at mapanatili ang seguridad sa buong Cavite.”

Muling pinatutunayan ng Cavite Police Provincial Office na walang takas sa batas ang mga nagtatago sa kanilang krimen, at patuloy na titindig ang kapulisan bilang katuwang ng mamamayan sa pagtataguyod ng kapayapaan at hustisya.