26 Rebelde, sumuko sa Ilocos Region sa buwan ng Setyembre 2025

0
736

Patuloy na nararamdaman ang epekto ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan para sa kapayapaan sa Ilocos Region matapos sumuko ang 26 na kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) at mga kaugnay na organisasyon sa Police Regional Office 1 (PRO 1) nitong buwan ng Setyembre 2025.

Sa bilang na ito, dalawa ay mga aktibong kasapi ng CTG, tatlo ay New Peoples Army sa mga baryo, 18 ay miyembro ng Communist Front Organizations (CFO), dalawa ang CFO supporters, at isa naman ang Underground Mass Organization (UGMO) member.

Kasabay ng kanilang pagsuko, isinuko rin ng mga dating rebelde ang apat na piraso ng iba’t ibang uri ng baril at isang (1) pampasabog.

Ayon kay PBGen Dindo R. Reyes, Regional Director ng PRO 1, patuloy ang kanilang dedikasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon. Aniya, “Ang PRO 1 ay mananatiling matatag sa pangakong pangalagaan ang Estado ng Matatag na Panloob na Kapayapaan at Seguridad. Patuloy naming isusulong ang walang humpay na adhikain tungo sa kapayapaan upang matiyak na ang bawat mamamayan ay namumuhay nang ligtas sa ilalim ng Bagong Pilipinas.”

Ang naturang tagumpay ay bunga ng mas pinagtibay na kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan, PNP, AFP, at mga mamamayan na patuloy na nagtutulungan upang tuluyang wakasan ang insurhensiya sa rehiyon. Kung saan ang kapulisan ay maaasahan, malalapitan at mapagkakatiwalaan.

Source: Police Regional Office 1