Isinagawa ang Press Presentation of Surrendered ASG Supporters and Turn-Over of Firearms, Ammunition, and Explosive na pinangunahan ng Police Regional Office 9 sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Eleazar P Matta, Regional Director katuwang ang Regional Mobile Force Battalion 9 (RMFB9) sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Parson J Asadil, Force Commander na ginanap sa Multi-Purpose Hall ng Camp Batalla, RT Lim Boulevard, Zamboanga City nito lamang Setyembre 26, 2025.

Sa nasabing programa, ito ay layuning ipakita sa publiko ang 10 indibidwal na sumuko mula sa hanay ng Abu Sayyaf Group (ASG) at ceremonial turn-over ng mahigit 32 piraso ng iba’t ibang uri ng armas, bala, at pampasabog.
Bukod dito nagkaroon rin ng presentasyon ng iba’t ibang ayuda at programa mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa sampung (10) sumukong tagasuporta ng Abu Sayyaf Group (ASG).
Layunin ng aktibidad na tulungan at gabayan ang mga dating sumusuporta sa armadong kilusan upang makapagsimulang muli at maging produktibong mamamayan.

Dumalo at nagbigay ng kani-kanilang suporta ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Health (DOH), Cooperative Development Authority (CDA), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), PhilHealth, Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Labor and Employment (DOLE). Kabilang sa mga tulong na ibinigay ang pangkabuhayan, serbisyong pangkalusugan, pagsasanay, at iba pang programa para sa kanilang pagbabalik-loob sa lipunan.
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang mga ahensya at ang kapulisan, lalo na ang PRO9, sa desisyon ng mga dating sumusuporta sa ASG na talikuran ang karahasan at muling magtiwala sa pamahalaan.
Binigyang-diin ng kapulisan na ang hakbang na ito ay patunay na posible ang pagbabago kung may bukas na puso at pagtutulungan.
Ayon sa mga opisyales ng kapulisan, ang pagbabalik-loob ng mga dating rebelde ay isang tagumpay ng pagkakaisa at malasakit—hindi lamang ng kapulisan at militar, kundi pati ng mga ahensya ng pamahalaan at ng komunidad. Sa patuloy na programang ito, inaasahang mas marami pang magbabalik-loob upang tuluyang makamit ang kapayapaan at kaunlaran sa rehiyon.
Panulat ni Patrolwoman Joyce Franco



