QCPD, naka-deploy na para sa inaasahang prayer and indignation rally sa EDSA Shrine at PPM

0
820

Ang Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, ay naka-deploy na dakong alas-4:00 ng madaling araw ng Setyembre 21, 2025, para sa inaasahang prayer and indignation rally sa EDSA Shrine at PPM, gayundin para sa iba pang aktibidad na gaganapin sa House of Representatives at Camp Crame, Cubao.

Layon nito na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng dadalo sa mga aktibidad ngayong araw.

Pinapaalalahanan ang lahat ng kalahok na sumunod sa mga probisyon ng Batas Pambansa Blg. 880 o “Public Assembly Act of 1985”, kabilang na ang pagpapanatili ng kaayusan, paggalang sa kapwa, at pakikipagtulungan sa mga awtoridad upang maisakatuparan ang mapayapang pagtitipon.

Pinaalalahanan din ng QCPD ang lahat ng personnel nito na pairalin ang maximum tolerance at tiyaking mapangalagaan ang karapatang pantao sa lahat ng pagkakataon.

Source: QCPD FB Page