Arestado ang isang Top 5 Most Wanted Person sa Provincial Level sa kasong Qualified Rape sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Kabayunan, Doña Remedios Trinidad, Bulacan dakong 6:00 ng gabi nito lamang Setyembre 8, 2025.
Kinilala ni Police Colonel Angel L Garcillano, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si alyas “Making”, 42 anyos, may asawa at residente ng Barangay San Roque, San Rafael, Bulacan.
Ang pag-aresto ay isinagawa ng Tracker Team ng Doña Remedios Trinidad Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang iba’t ibang yunit ng pulisya sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patunay lamang ito na ang Bulacan PNP ay patuloy sa mas pinaigting na kampanya kontra kriminalidad, alinsunod sa agenda ng pamahalaan na itaguyod ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.
Panulat ni Patrolwoman Jilly Peña



