Wanted Person sa kasong Attempted Homicide, arestado sa Iligan City

0
224

Naaresto ng mga tauhan ng Iligan City Police Station 6 ang isang wanted person sa kasong Attempted Homicide sa isinagawang operasyon sa Purok 14, Dodiongan, Barangay Bonbonon, Iligan City, Lanao del Norte bandang 8:16 ng umaga nito lamang Setyembre 8, 2025.

Kinilala ni Police Colonel Jerry A. Tambis, City Director ng Iligan City Police Office, ang suspek na si alyas “Doy”, 28 anyos, binata, security guard, at residente ng nasabing lugar.

Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Attempted Homicide na may Criminal Case No. 25-340.

Patuloy ang Iligan City PNP sa kanilang mas pinaigting na operasyon laban sa mga wanted persons upang masiguro ang katahimikan at kaayusan sa lungsod.