Communist Terrorist Group member, boluntaryong nagbalik-loob sa Leyte

0
345

Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Ga-as, Baybay City, Leyte nito lamang Setyembre 08, 2025.

Kinilala ni Police Major Robin James R Bate, Officer-In-Charge ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob na si alyas “Ka Jing”, 48 anyos, carpenter at residente ng Barangay Mataloto, Leyte, Leyte.

Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na pagsisikap at pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng 1st Leyte Provincial Mobile Force Company kasama ang 31st Special Action Company, 3rd Special Action Battalion, PNP-SAF, Regional Intelligence Unit 8 at Baybay City Police Station.

Isinuko rin ng nasabing surrenderee ang isang yunit caliber .38 revolver at tatlong bala.

Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at bigas mula sa mga kapulisan.

Ang dating miyembro ng CTG ay nasa kustodiya na ng 1st Leyte PMFC para sa facilitation ng kaniyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Ang pagbabalik-loob ng nasabing surrenderee ay bahagi ng tuloy-tuloy na programa ng ating gobyerno sa pagwawakas ng insurhensiya at terorismo tungo sa pagkamit ng payapa at maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian