Top 3 Municipal Most Wanted Person sa Carcar City, arestado ng pulisya

0
857

Naaresto ng Carcar City PNP ang Top 3 Most Wanted Person sa Municipal Level na may kasong Statutory Rape sa Sitio Nangkaan, Barangay Perrelos, Carcar City, Cebu, noong ika-3 ng Setyembre 2025.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jewel M Nicanor, Chief of Police ng Carcar City Police Station, Cebu Police Provincial Office, ang wanted na isang senior citizen na si alyas “Kempay”, 79-anyos na residente ng nabanggit na lugar.

Ayon PLtCol Nicanor, bandang 11:30 ng umaga nang maaresto ng kapulisan ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Statutory Rape na walang rekomendadong piyansa.

Ang matagumpay na pagkahuli sa suspek ay nagpapakita ng disiplina, koordinasyon, at mabilis na aksyon ng Carcar City PNP upang matiyak ang ligtas na komunidad at mas matibay na paninindigan laban sa kriminalidad.

Source: Carcar CPS SR