2 Street Level Individual, arestado sa buy-bust ng Palo PNP

0
712

Arestado ng Palo PNP ang dalawang Street Level Individual sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Capirawan, Palo, Leyte nito lamang ika-20 ng Agosto 2025.

Kinilala ni Police Major Gwen Alison C Corregidor, Acting Chief of Police ng Palo Municipal Police Station, ang mga suspek na sina alyas “Bagtak”, 48 anyos, tricycle driver at alyas “Lowe”, 44 anyos na magsasaka, na pawang mga taga Barangay Capirawan, Palo, Leyte.

Bandang 1:03 ng hapon nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng Palo Municipal Police Station – Municipal Drug Enforcement Unit sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency 8.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang dalawang (2) pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 4.81 gramo na nagkakahalaga ng Php32,708, isang genuine 500-peso bill na ginamit bilang buy-bust money at mga drug paraphernalia.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5, 11, at 12 Article II ng Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.

Bunga ng pinaigting na kampanya laban sa iligal na droga, matagumpay na naisagawa ng Palo PNP katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ang mga operasyong naglalayong tiyakin ang kaayusan at kapayapaan sa nasasakupan. Dahil sa Bagong Pilipinas, ang Gusto ng Pulis, Ligtas ka!.